Ang araw ay nagsimula na. Ito ay kahit na anumang araw. Nagumpisa ng magmaneho at tumahak sa kabayanan ang sambahayan ng lima.

Biglaan ang banggaan. Nagkahiwahiwalay ang napinsalang mga graba, plastik, at laman ng mga tao. Tatlo ang patay at dalawa ang malubhang nasaktan. Subalit ang lasing na tsuper na matuling nagpatakbo ng trak na bumangga sa kanila ay bahagya lamang nagasgasan. Bakit?

Nakuha ng kakila-kilabot na diktador ang pamamahala ng buong bayan, at milyon-milyon ang nagdurusa sa kanyang mga pagsasamantala. Bakit?

Sinabi ng doctor, “Ako ay may masamang balita sa iyo,” pagkatapos ay kanyang malungkot na ipinaliwanag na ikaw ay mayroong cancer. Bakit?

Ang mga kasaysayang ganito ay nalalahad sa atin araw-araw. Kung minsan naririnig natin ito ng pangalawang salin, o kaya naman sa mga balitang panggabi. Kung minsan naman, ang kasaysayan ay ang ating kabuhayan. Matapos tayong makatayong matatag sa isang mayanig na karanasan, hindi natin mapigilang itanong ang pinaka natural at pangkaraniwang tanong dito sa mundo. Kung ang Dios ay makapangyarihan at mabuti sa lahat, bakit kailangan pa nating magdusa? Mahirap isipin kung mayroon pang mas mahalaga at mas importanteng katanungan kaysa dito. Sa katunayan, sa lalong madali at natatamang panahon, tayong lahat ay magtatanong nito.

Ang kalalabasan nito ay walang masyadong maraming sagot na maaari nating pagpilian. Isipin mo. Alin man dito, maaaring ang Dios ay pumapayag na huwag mangyari ang mga masasamang bagay, nguni’t hindi Niya ito kayang hadlangan. Sa ganitong kalagayan, Siya ay hindi makapangyarihan sa lahat.

O kayang pigilan ng Dios na mangyari ang mga masasamang bagay, nguni’t hindi Niya ito pinahihintulutan. Sa ganito namang kalagayan, Siya ay hindi mabuti.

O mayroon pang pangatlong opsyon: Ang Dios ay kapwa may kakayahan at maluwag ang kalooban, nguni’t Siya ay Dios ng pag-ibig, at sa ganitong kalagayan ay mayroong hangganan na hindi Niya tatawirin kahit na Siya ay Dios na makapangyarihan, at ang guhit na ito ay ang ating malayang kagustuhan.

Itinuturo ng Biblia ang pangatlong katayuan, at mahirap akalaing  mayroon pang sagot na magbibigay ng kaginhawahan. Sa madaling salita, ang buod ng ating kalikasan, gaya ng sinasabi sa Biblia, ay nagpapahayag ng ganito:

1. “Ang Dios ay pag-ibig” (1 Juan 4:16). Ito ang pangunahing saligan ng katotohanan kung sino ang Dios.

2. Sa makatuwid, “Nilalang ng Dios ang tao na gaya ng Kanyang larawan” (Genesis 1:27. Sa ganito, ginawa ng Dios ang mga tao na mayroong kakayahan na magmahal gaya Niya – sa pamamagitan ng  paggamit ng malayang kalooban.

3. At samantalang ang tao ay ginawa na mayroong malayang kalooban at may kakayahan na magmahal, ang tao ay “nagkasala at nahulog” mula sa dakila at mabuti niyang katayuan ng siya ay nilikha mula pa ng pasimula. (Mga Taga Roma 3:23).

4. Ngunit mayroong magandang balita: Ginagawa ng Dios ang hindi kapani-paniwalng panukala ng pagliligtas upang ang lahat ng sinumang tao na magnais ay “maligtas dahil sa kagandahang-loob ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya” (Mga Taga Efeso 2:8) – hindi ng iginiit at sapilitang kapangyarihan, kundi ng umaakit at bumabago ng anyo na makapangyarihang pagmamahal ng Dios.  Ang pag-ibig ang siya lamang paraan kung paano pupuksain ang kasamaan at pagdurusa, samantalang iniingatan ang ating malayang kalooban, na  kasama na nito ang ating kakayahan na magmahal.

Makatarungan ba?

Kaya ang maigsing kasagutan kung bakit tayo ay nagdurusa ay dahilan sa pinili natin at ng ibang katauhan, ngayon at ng nakaraan, ang kasamaan, at ang ibinunga nito ay ang paghihirap. Hindi ito makatarungan. Hindi rin ito makatuwiran. Ang kasalanan, sa kanyang kahulugan, ay hindi makatarungan, labag sa katuwiran, nakasasakit, at mali. Ito ay totoong malupit. Nguni’t isang bagay ang maliwanag at katotohanan: ito ay hindi kalooban ng Dios. Ayaw ng Dios na tayo ay mahirapan. Nguni’t hindi rin Niya gusto, na tayo ay gawing mga alipin o mga robot. Para maging tao, nararapat na may kalayaan, at ang kalayaan ay nangangahulugan na tayo ay maaaring pumili ng masama o mabuti, taglay nito ang kani-kanilang kahihinatnan.

Ang malinaw na katotohanan sa bagay na ito ay, ang pag-ibig ay hindi mamamalagi kung wala ang malayang kalooban, at ang pinakalikas ng malayang kalooban ay ang kanyang pagpapahintulot na mangyari ang mga masasamang pamimili. Kaya nga, pagka ating sasabihin na kung ang Dios ay mabait ay hindi Niya dapat pahihintulutan ang kahit sino na gumawa ng kahit na anumang bagay na makadudulot ng sakit sa kanyang sarili o sa iba pa, tayo ay lumalagay sa maling katuwiran at pagkaka-unawa.

Ang kabaligtaran ng nabanggit na kaisipan ay ang tunay na katayuan: dahilan sa ang Dios ay ganap na mabuti, kailangan Niyang pahintulutan na tayo ay makapamili, masama man o mabuti, upang maranasan natin ang kanilang mga hantungan.  Palagi at walang ibang nais ang Dios kundi piliin lamang natin ang mabuti, subali’t hindi Niya tayo pipilitin. Hindi kagustuhan ng Dios ang kasamaan o ang  idinudulot nitong kalungkutan. Tayo ang may gusto nito. Ang  pagdurusa ay bunga ng mga pamimili ng tao, hindi ng Dios. At ito ang malungkot na  katotohanan ng kalayaan.

Gayon pa man, ang Dios ay napakabuti at hindi Siya maaring manatiling nakahiwalay sa ating paghihirap. Alinsunod sa Biblia, “Siya ay nadadaitan ng mga nadadama nating kahinaan (Sa Mga  Hebreo 4:15). Sa pangungusap patungkol sa kaugnayan ng Dios sa kahirapan ng tao, sinabi ni propetang Isaias na, “Sa lahat ng kanilang pagdadalamhati, Siya ay nagdusa,” Isaias 63:9. Kaya sa Kanyang  taos-pusong pagmamahal sa sangkatauhan ay katotohanang sinabi ni Hesus na lahat ng bagay na ating gagawin para o laban sa iba, ay parang ginawa na natin ang mga gawang ito sa Kanya (Mateo 25:41-45). Nadadama ng Dios ang lahat ng ating mga kahirapan. Nababatid Niya ang lahat ng ating mga kalungkutan, kapighatian, at pagdadalamhati, sa kabila ng ating mga luha kapag tayo ay nananaghoy. Si haring David ay umawit patungkol sa taos-pusong pagkahabag ng Dios: “Iyong sinusubaybayan ang lahat kong  mga kalungkutan. Iyong tinipon  ang lahat ng aking luha sa Iyong botelya. Iyong sinulat ang bawat isa nito sa Iyong aklat.” Ganyan ang pag-ibig.  Nagdurusa kasama ng mga napipighati.

Nadama Ng Dios Ang Ating Kasakitan

Subali’t dito nagiging mas labis na nakapagtataka ang kasaysayan. Hindi lamang nararamdaman ng Dios sa Kanyang puso ang ating kalungkutan bagaman tayo ay may pagitan; Siya ay literal na bumaba at lumusong sa panganib, sa loob ng ating kalungkutan, para sa katapusan ay gumawa ng daan upang tayo ay iligtas. Si Hesu Kristo ay naparito para, “… dumanas ng kamatayan para sa lahat.” (Sa Mga Hebreo 2:9) “Tunay na Kanyang dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma’y ating ipinalagay  na Siya ay hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati. Nguni’t Siya’y nasugatan dahil sa ating pagsalangsang, Siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa ating kapayapaan ay nasa Kanya; at sa pamamagitan ng Kanyang mga latay ay nangagsigaling tayo. Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa’t isa sa kani-kaniyang sariling daan; at ipinasan sa Kanya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.” (Isaias 53:4-6)

Ang pinaka dakilang  patotoo ng pag-ibig ng Dios sa gitna ng ating mga kahirapan ay ang Kaniyang pakikibahagi nito. Hindi pa Niya tayo iniwan na magdusang nag-iisa. Ang dahilan kung bakit lubos na hindi mapaniwalaan ang Dios ng Biblia, ay ang Kanyang pagparito dito sa ating daigdig at ang Kaniyang kusang-loob na danasin ang ating kahirapan.

Kahit na ano pa ang dumating sa landas mo, mayroon dalawang hindi mababagong katotohanan na iyong mapagkakatiwalaan: Una, ang Dios ay pag-ibig at mahal ka Niya ng personal. Ang pangalawa, itutuwid ng Dios sa katapusan ang lahat ng kamalian, at pagagalingin Niya ang lahat ng  sugat na ibinigay ng mundong ito sa iyo. Noong si Hesus ay nahirapan at namatay sa krus, ipinakilala Niya na mahal ng Dios ang nagkasala at nagdurusang mga tao ng higit sa Kanyang buhay, at Kanyang siniguro na ang lahat ng maglalagay ng kanilang pananampalataya sa Kaniya ay magkakaroon ng maliwanag na kinabukasan, na ligtas mula sa lahat ng kahirapan. Ang pangako ng Biblia, na naganap sa pagkamatay ni Kristo sa krus, ay para sa iyo:

“At papahirin Niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.” (Apocalipsis 21:4)

 

Screen-Shot-2012-06-15-at-1.33.31-AM