Dating kaugalian ng mga istasyon ng telebisyon na tumugtog ng Pambansang Awit at tapusin na ang pagbobroadkast pagdating ng hating-gabi. Nawala na ito. Sa ngayong mga panahon, ang madaling araw ay puno ng mga palatuntunan. Sinomang gising sa mga oras na ito ay maaaring ibagsak ng walang katapusang mga balita, mga ulat sa panahon, at mga infomersiyal na sukdulang nagbebenta ng mga gadyet na hindi mo akalaing kailangan mo pala. Kahit na sa maliliit na lunsod, mga naglalakihang mga tindahan ang bukas bawat oras. Lalong nadadagdagan habang tayo ay nabubuhay sa mundong 24/7.

Ang oras ng pagnenegosyo ay mas lalong abala kaysa dati. Ang tawag sa paligsahan ng bawa’t isa ay ang “pag-gawa ng maraming bagay sabay- sabay.” Kahit na sa daan, maari kang tumanggap o  gumawa ng mga tawag sa telepono, mag hatid ng mensahe sa iyong tio sa lahat ng sulok ng daigdig, siyasatin ang mga halaga ng stocks, malaman ang pagbabago ng mga balita, matutunan ang  iskor sa labanan ng football kahapon sa New Zealand, at mag-download ng  tugtugin o panoorin sa iyong iPhone, Blackberry, o Netbook.

Karamihan sa atin, ang  mga araw na walong oras sa opisina ay naging mga araw na ang bawat oras ng paggising, ay ang opisina, pagnenegosyo, at mundo ang sumasalakay sa ating mga tahanan. Ngunit sa madali o kinamamayaang panahon, tayo ay dadating sa pagkakaunawa na kailangan natin ng kapahingahan – hindi buong kawalang-galaw, ngunit ang  panibagong tulin ng lakad. Ang pagbabago mula sa  walang patid na mga alalahanin tungkol sa mga halaga ng stocks sa oras na ito, at sa susunod niyang pamamailalim sa linya sa pang-ikaapat niyang buwan, at pagbabago hanggang sa mga bagay na hindi kapwa maoorasan at hindi mahahangganan. Ang pagbabago, oo, ng  pagmamahal, pamilia, at ng ating tungkulin dito sa sansinukob. Sinabi ni Socrates na, “Ang buhay na walang pagsuri ay walang halagang pamumuhay,” sa karagdagan alam natin na ito’y totoo. Nagtatrabaho tayo at nagpaplano, nagsusumikap at nagtatamo, subalit para sa anong pagtatapos? Habang pinahihintulutan natin ang ating mga sarili na mahipnotismo ng daloy ng mga impormasyon, na siyang pumupuno ng hangin sa ating buong palibot gaya ng ulap-usok, tayo ay hindi hihinto ng pangsumandali para pagisipang mabuti ang tunay na mas mahalaga at mas importanteng mga suliranin.

Dumating na sa bahagi, na ang mga pahayagan na mismo ng negosyo, gaya ng aklat talaan ng “Wall Street,” ang siya nang nananawagan, kung mapapaniwalaan ba ninyo ito? – na bumalik tayo sa Sabbath. Sa isang editoryal noong Hunyo 15, 2007, “Ang Paglubog ng Sabbath,” inilagay ni Mollie Zieglar Hemingway ng ganito. “Ang kabaligtaran ng ating kasaganaan na ating tinatamasa ay nawala natin ang ating araw ng pamamahinga, para sa isa pang araw ng pagsaid. Ang tulin ng lakad ng komersyo at teknolohiya ay naglalaan ng mga hindi pa natin naririnig na karapatan, para ipagsawalang-bahala natin ang pamilya, relihiyon at kapahingahan – hindi lamang ng Sabbath kundi pati na ang lahat ng araw ng isang linggo.”

Ang Sabbath ay naglalaan ng eksaktong lunas na kailangan natin ngayon para salungatin ang labis na karagdagang mga impormasyon at mga karamdaman ng pag-aalala. Ang Araw ng Pamamahinga ay naglalaan ng isang kanlungan, isang kapahingahan, isang maliit na ginhawa, mula sa patuloy na mga gawain at walang katapusang pagbuhos ng mga balita.

Sinasabi sa atin ng Biblia, na ginawa ng Dios ang pangangailangan natin ng kapahingahan — pati na ang lunas nito, sa kaibuturan ng Kanyang Paglikha. “At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw, at Kanyang ipinangilin, sapagka’t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang Kaniyang nilikha at ginawa,” Genesis 2:3. Sa pamamagitan ng pamamahinga sa lahat ng Kaniyang ginawa, ang Dios ay naglaan ng isang modelo at halimbawa para sa atin. Sa sampung utos, ang halimbawa na ito ay ginawa Niyang maliwanag at umiiral. “Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa Panginoon mong Dios…” Exodo 20:9-10. Pansinin natin na alin man sa dalawang teksto na ito ay hindi sinasabi, na gumawa tayo anim na araw sa loob ng pito at magpahinga ng isa. Kundi, malinaw nitong sinasabi na ang ika-pitong araw ay ang Sabbath. Ang ikapitong araw, hindi isa sa pitong araw. At ang araw na ito ay ang Sabado.

Sabado? Maaring tinuruan ka na ang Sabado na Sabbath ay ibinigay sa Sinai para sa mga Hudyo lamang. Kung totoo ito, ang “hindi pagpatay,” at ang “hindi pagnakaw,” ay magiging para din sa mga Hudyo lamang. O maaaring   nadinig mo din, na tinapos na ng Krus ang kahilingan ng Sabbath. Minsan pa,  ito ay mangangahulugan din na tayo ay malaya ng pumatay at magnakaw – nguni’t walang maniniwala nito. Maaring tinuruan ka na tayo ay sumasamba ng Linggo bilang paggalang sa pagkabuhay na mag-uli ng Panginoon. Totoo naman, na ito ay mahalagang isaalaala. Nguni’t hindi kailanman mang sinabi ng Biblia na alalahanin natin ang Kanyang pagkabuhay na mag-uli, datapuwa’t, sinabi sa atin na ating alalahanin ang Kanyang kamatayan, (1 Mga Taga Corinto 11.26).

Sinabi sa atin na huwag nating kalimutan ang Kanyang Kamatayan, isang kapansin-pansin na katulad ito sa sinabi ng Sampung Utos sa atin, na “alalahanin mo ang araw ng Sabbath.” Natuklasan din natin na ang tanging araw lamang na lubos na ipinagpahinga ni Hesus sa Kanyang libingan ay ang Sabbath. Sa halip na pawiin ang Sabbath, ito ay pinatibay ng Kanyang kamataya. Gaya ng Siya ay nagpahinga sa ika-pitong araw pagkatapos ng isang linggong Paglikha, si Hesus ay nagpahinga din sa ika-pitong araw pagkatapos ng isang linggong Pagtubos (pangkaraniwang tinatawag nating, “Isang Linggong Pasyon.”)

Nakakatalaga tayo, na ayaw ng karamihan sa atin ang  mga kuro-kuro tungkol sa mga ‘utos’ o ‘pagsunod.’ Ngunit itong kalagayan na ito ay hangal. Ipagpalagay mo na sinabihan ka ng doktor na kumuha ng bakasyon, pagkatapos, inihayag niya sa iyo na mayroon siyang pinanukalang bakasyon na makasasapat ng matindi mong mga pangangailangan. Ito ang dahilan kung bakit mayroong Sabbath. Sinabi mismo ni Hesus, “Ang Sabbath ay ginawa para sa tao, hindi ang tao para sa Sabbath,” Marcos 2:27. Hindi ibig sabihin na ito ay isang nagkataong gulong, na kailangan nating lundagan – sapat na mayroon tayo nito sa ibang anim na mga araw – sa halip, ito ay pamamahinga na ibinigay para sapatan ang ating mga pangangailangan.

Ngunit bakit hindi Linggo, o Martes? Bakit Sabado? Isaisip natin na sa istorya ng paglalang, sinabi sa atin sa Genesis, na “Binasbasan ng Dios ang ika-pitong araw at ito ay ginawa Niyang Banal.”

Ano ang ibig sabihin na “gawin ang isang bagay na banal?” Noong si Moises ay tumayo sa harap ng nasusunog na maliit na kahoy, siya ay tumayo sa isang lupang banal. Ano ang nagpabanal dito? Ang kasalukuyang pananatili ng Dios. Pinababanal ng Dios ang Sabbath sa pamamagitan ng Kanyang natatangi at pangkasalukuyang pananatili.

Maari mong sabihing, “Sandali muna, hindi ba palagi namang nandito ang Dios sa lahat ng araw?” Siempre,  totoo ito, nguni’t totoo din na ang Dios ay palaging nasa lahat ng dako – subalit hindi kinailangang tanggalin ni Moises ang kanyang sapatos sa lahat ng dako, kundi doon lamang sa nasusunog na palumpong. Sapagkat, gaya nga ng Sabbath, ang Dios ay nanatili sa nasusunog na maliit na kahoy, sa paraang may pagkakaiba, kung nasa ibang dako Siya. At sa mga iba na itinatakda at ipinangingilin ang Sabado, ang ika-pitong araw, para magpahinga sa lahat ng kanilang pangaraw-araw na gawain, upang tagpuin ang Dios, kasama nang kanilang pamilya, sila ay makapagpapatotoo na ang Dios ay totoong bukod tanging makakasama at mararanasan sa araw na ito.

Kung gusto mong siyasatin ang posibilidad tungkol sa Sabbath, may ibang mga tao na maaring nakatira na malapit sa iyo at sila’y matutuwang ibahagi ito sa iyo. Marami ka pang malalaman tungkol dito, at iba pang mga kapaki-pakinabang at makatutulong na impormasyon sa www.glowonline.org.

T51